Neory
Masayang pamumuhay kanyang nagisnan,
Kasama ang kanyang ina sa kabukiran.
Mukha nila’y laging may ngiting laman,
Sila’y maligaya kapos man sa yaman.

Araw at gabi ina’y nagtatrabaho,
Upang inipong salapi ay maging husto.
Pangarap ng ina’y siya;y makapagtapos,
At sa kahirapan ay hindi magapos.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon,
Kamataya’y dumating na parang alon.
Kanyang ina ang siyang natunton,
O sadyang kay bilis ng panahon.

Hindi malaman ang kanyang gagawin.
Ang mawalay sa inay di kayang tanggapin.
Sakit ang dulot ng tinik sa damdamin,
Sa araw-araw ito’y mabigat na dalahin.

Mga panahong silang mag-inay magkasama,
Parang kidlat na bumabalik sa kanyang alaala.
Ninais niyang umaga’y di na magisnan,
At ubusin na ang buhanging laman ng orasan.

Isang umaga, sa kanyang paggising,
Sumikat muli ang araw at nagningning.
Ang mundong dati’y puno ng kalungkutan,
Naging maaliwala, naglaho ang kadiliman.

Natanto niyang siya’y nagkamali pala,
Upang iluklok ang sarili sa pighati at dusa.
Isa lamang ito sa mga unos ng buhay,
Ang Ama’t ina sa langit ang magiging gabay.

*I can't recall when, where, and why did I wrote this one. Obviously it is for a filipino course. =p
0 Responses

Post a Comment